9 arestado sa ilegal na pagbebenta ng COVID-19 test kits

9 arestado sa ilegal na pagbebenta ng COVID-19 test kits

Inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang siyam na katao na sangkot sa ilegal na pagbebenta ng COVID-19 test kits.

Sa ulat mula kay CIDG Director Police Major General Albert Ignatius D Ferro, naaresto ang siyam na suspek sa entrapment operation sa No. 22 Scout Bayoran, Brgy South Triangle, Quezon City.

Kinilala ni PNP Chief Police General Debold M. Sinas ang mga suspek na sina:

– Marize Santiago, 28
– Joshua Raphael Bautista Ramirez, 21
– Zeus Catamora Jimena, 27
– John Vincent Almante Sumalabe, 23
– Rio Joyce Mingay Perando, 20
– Hermogenes Rivero Villordon, 28
– Jomari Pareja Estrada, 21
– John Marthy De Jesus Parentela, 22
– John Paolo Solibaga San Pedro, 28

Ikinasa ang operasyon kasunod ng mga ulat hinggil sa hindi otorisadong pagbebenta ng medical devices gaya ng Joinstar, clungene rapid test kit, innovita anti body test, sanli disposable virus specimen at wondfo rapid test kit.

Ipinapaskil pa ang mga paninda sa online selling website.

Para mahuli ang mga nagbebenta, isang pulis ang nagpanggap na bibili ng 30 kahon ng Clungene Rapid Test Kit na nagkakahalaga ng P204,000.00.

Sa isinagawang operasyon ay nakumpiska ang 203 pieces na marked money, iba’t ibang Unauthorized Rapid Test kit, na amyroong market value na P30,000,000.

Nabigo ang mga suspek na magpakita ng license to operate (LTOP) o special permit para makapagbenta ng test kits.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009 in relation to FDA Circular No. 2020-016 na nagbabawal sa Online selling ng FDA Certified COVID-19 Antibody Test Kit.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *