MMDA nagsagawa ng mass vaccination sa kanilang mga empleyado
Nagsagawa ng mass vaccination ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang mga frontliner.
Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, simula nang magkaroon ng pandemya, umabot na sa 771 ang bilang ng kanilang mga empleyado na tinamaan ng COVID-19.
Sa nasabing bilang, 100 pa ang aktibong kaso at mayroon nang 8 pumanaw.
Sinabi ni Abalos na mayroon lamang silang dalawang duktor sa MMDA.
Kaya tumulong ang iba pa nilang empleyado na bihasa sa disaster para magsilbing vaccinator.
Tiniyak din ni Abalos na sinunod ng MMDA ang priority list ng pamahalaan sa pagbabakuna.
Target ng MMDA na mabakunahan kontra COVID-19 ang lahat ng 8,000 nilang empleyado.