LOOK: Mga residenteng nakatira sa mga eskenita maayos na nag-abang sa kalsada para sa pay-out

LOOK: Mga residenteng nakatira sa mga eskenita maayos na nag-abang sa kalsada para sa pay-out

Usap-usapan ngayon sa social media ang maayos na sistema ng pamamahagi ng ayuda sa Biñan, Laguna.

Sa halip kasi na papilahin sa isang venue gaya ng covered court ang mga benepisyaryo ang mga head of the family ay pinag-abang sa labas ng kalsada para sa pag-iikot ng LGU na mamimigay ng pay-out.

Maayos ang naging sistema dahil naglagay ng linya ng mga upuan kung saan pupwesto ang mga benepisyaryo.

Ayon kay Biñan City Mayor Arman Dimaguila, house-to-house ang ginagawa nilang pamamahagi ng ayuda, gayunman dahil may ilang barangay na na sa looban o eskinita nakatira ang mga residente ay mahirap silang puntahan at maari pang magdulot ng pagkukumpulan.

Inabisuhan din ang mga benepisyaryo na dapat handa na ang kanilang requirements sa pagtanggap ng ayuda kabilang ang “groupie” picture ng pamilya sa kanilang cellphone bilang patunay ng bilang ng miyembro ng pamilya sa bahay.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *