Pamamahagi ng ‘ayuda’ mula sa national government kailangang magpatuloy sa ilalim ng pag-iral ng MECQ

Pamamahagi ng ‘ayuda’ mula sa national government kailangang magpatuloy sa ilalim ng pag-iral ng MECQ

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magpapatuloy ang pamamahagi ng the P22.9 Billion na “ayuda” sa NCR Plus area sa kabila ng pag-iral pa ng Modified Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya, kahit nag-shift na sa MECQ mula sa ECQ ay tuloy ang pamimigay ng ayuda sa mga apektadong indibidwal.

Sa ngayon ayon kay Malaya, umabot na sa P1.757 Billion ang naipamahaging pondo para sa “ayuda” at nasa 1.7-million beneficiaries na sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ang tumanggap nito.

Sa NCR, ang Mandaluyong, Quezon City, Navotas, at Maynila ang mga nangungunang lungsod sa pamamahagi ng ayuda.

Nanawagan ang DILG sa mga lokal na pamahalaan na gawin ang lahat para mas mapabilis ang pagbibigay ng ayuda sa mga mamamayang nangangailangan.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *