Chinese Ambassador Huang Xilian ipinatawag ng DFA kaugnay sa pananatili ng Chinese Vessels sa Julian Felipe Reef

Chinese Ambassador Huang Xilian ipinatawag ng DFA kaugnay sa pananatili ng Chinese Vessels sa  Julian Felipe Reef

Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ambassador ng China dahil sa patuloy na presensya ng mga Chinese Vessel sa Julian Felipe Reef.

Ayon kay DFA Acting undersecretary Elizabeth Buensuceso, nagpadala na ng summon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, para ito ay pagpaliwanagin.

Ipinaalam din ng DFA kay Huang na ang Julian Felipe Reef ay nasa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas at ang patuloy na presensya ng mga barko ng Tsina sa lugar ay pagmumulan ng regional tension.

Iginiit ng DFA ang July 12, 2016 decision sa South China Sea Arbitration.

Pinaalalahanan din ang China tungkol sa “proper decorum” at “proper manners” kasunod ng pagsagot nito sa naging pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Ayon sa DFA kailangang agad na alisin ng China ang lahat ng kanilang mga barko na nasa Julian Felipe Reef at iba pang maritime zone ng Pilipinas.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *