Dating Pangulong Joseph Estrada negatibo na sa COVID-19
Nag-negatibo na sa COVID-19 si dating Pangulong Joseph Estrada.
Ayon sa kaniyang anak na si dating Senador Jinggoy Estrada, ililipat na sa regular room ang kanilang ama.
Negatibo na kasi ang resulta ng kaniyang repeat swab test.
Sa ngayon ay mayroon pa rin aniyang high flow oxygen support ang dating pangulo.
Pinayagan na rin ito ng soft diet, nakakausap at “in good spirits”.
Nagpasalamat naman ang dating senador sa mga patuloy na nagdarasal para sa kagalingan ng kanilang ama.