Tuguegarao City isinailalim sa MECQ
Simula ngayong araw, April 13 ay isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ ang Lungsod ng Tuguegarao.
Ang MECQ ay tatagal ng pitong araw o hanggang sa April 19.
Kahapon, April 12 natapos ang pag-iral ng ECQ sa lungsod.
Sa kabila nito, hindi parin bumaba ang kaso ng mga active cases ng COVID-19 infections sa Tuguegarao.
Dahil dito, bago ilagay sa mas maluwag na quarantine status ay hiniling ni Mayor Jefferson Soriano sa tangapan ni Governor Manuel Mamba na i-endorso sa Regional Inter Agency Task Force na mailagay sa MECQ status ang Tuguegarao.
Inaprubahan naman ito ng Regional IATF.