Mahigit 190,000 doses ng COVID-19 vaccine ng Moderna matatanggap ng Pilipinas sa susunod na buwan
Inaasahang darating sa bansa ang 194,000 doses ng COVID-19 vaccine ng Moderna sa buwan ng Mayo.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., susundin ang priority list ng National Immunization Technical Advisory Group para sa pagbabakuna ng Moderna.
Ang pamahalaan at ang pribadong sektor ay bumili ng 20 milyong doses ng Moderna vaccine.
Sa nasabing bilang, 13 milyon ay binili ng pamahalaan at 7 milyon ang binili ng pribadong sektor para sa kanilang mga empleyado.
Sa ngayon wala pang inihahaing aplikasyon ang Moderna sa Food and Drug Administration (FDA) para sa emergency use authorization.
Pero ayon sa FDA maaring igain ihain na ang aplikasyon ngayong linggo.