Libu-libong residente ng Mandaluyong, San Juan, QC at Pasig makararanas pa rin ng water service interruption
Hindi pa rin matatapos ngayong araw ang leak repair ng Manila Water na nasirang linya ng tubig sa EDSA – Boni Avenue northbound.
Ayon sa Manila Water, ang tubo ay nasira ng AWIN Technology na third-party contractor at nagsasagawa ng CCTV network installation sa lugar.
Sa abiso ng Manila Water alas 5:00 ng hapon ngayong araw April 12 hanggang alas 4:00 ng madaling araw bukas, Aprill 13 ay mawawalan ng suplay ng tubig ang mga sumusunod:
MANDALUYONG CITY
Highway Hills
Barangak Ilaya
Barangka Itaas
Malamig
Addition Hills
Greenhills
Wack-Wack
East Greenhills
Mauway
Barangka Drive
Barangka Ibaba
Pleasant Hills
Plainview
Hulo
Hagdang Bato Itaas
Hagdang Bato Libis
San Jose
SAN JUAN CITY
Corazon de Jesus
West Crame
Pasadena
Onse
Halo-Halo (St. Joseph)
Maytunas
Santa Lucia
St. Joseph
Isabelita
Little Baguio
Valencia
QUEZON CITY
Kaunlaran
San Martin de Porres
Bagong Lipunan ng Crame
Pinagkaisahan
Horseshoe
Immaculate Concepcion
PASIG CITY
Oranbo
Pinayuhan ang mga residente sa apektadong residente na mag-imbak ng sapat na tubig na kanilang kailangan sa oras oras na mayroong water interruption.
Ito ay para maiwasan ding humaba ang pila sa water tankers.
Umabot sa 600-mm mainline ng Manila Water ang nasira sa EDSA-Boni.
Ayon sa Manila Water hindi ito ang unang pagkakataon na nakasira ang AWIN Technology sa kanilang linya.