DOH nakapagtala ng mahigit 11,000 na bagong kaso ng COVID-19 cases; 204 pa ang nasawi
Nakapagtala ng mahigit 11,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health araw ng Lunes, April 12, 876,225 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 11,378 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 703,625 ang gumaling o katumbas ng 80.3 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 267 na gumaling.
157,4551 naman ang active cases o katumbas ng 18.0 percent.
15,149 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.73 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 204 pang pumanaw.