Religious gatherings pinapayagan na sa ilalim ng pag-iral ng MECQ; limitado lamang sa 10 percent ng venue capacity
Pinapayagan na ang religious gatherings sa ilalim ng pag-iral ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa NCR Plus.
Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, limitado lamang sa 10 percent ng venue capacity ang maaring papasukin sa mga simbahan.
Binibigyang-kapangyarihan naman ang local government unit na itaas ang limitasyon para sa religious gatherings ng hanggang 30 percent depende sa lagay ng COVID-19 cases sa nasasakupang lugar.
Pinapayagan na din ang gathering para sa necrological services, kabilang ang lamay at libing.
Pero tanging immediate family members lamang ang maaring magtungo sa burol at libing.
Samantala, sa ilalim ng pag-iral ng MECQ pinapayagan ang individual outdoor exercises gaya ng outdoor walks, jogging, running, o biking.
Pero kailangang gawin lamang ito sa general area kung saan naninirahan ang indbidwal.
Ang mga establisyimento naman na mananatiling bawal magbukas sa ilalim ng MECQ ay ang mga sumusunod:
– Entertainment venues with live performers
– recreational venues
– amusement parks o theme parks, fairs (perya), kid amusement industries
– outdoor sports courts or venues for contact sports, scrimmages, games or activities
– indoor sports courts or venues, fitness studios, gyms, spas, or other indoor leisure centers or facilities, and swimming pools
– Casinos, horse racing, cockfighting, and operation of cockpits, lottery, and betting shops, and other gaming establishments
– indoor visitor, tourist attractions, libraries, archives, museums, galleries, and cultural shows and exhibits
– outdoor tourist attractions