Robinsons Malls sa NCR Plus mananatiling bukas sa ilalim ng pag-iral ng MECQ
Mananatiling bukas ang mga mall ng Robinsons Malls kasunod ng pagpapairal ng Modified Enhanced Community Quarantine sa NCR Plus.
Sa inilabas na abiso ng Robinsons Mall simula APr. 12 hanggang Apr. 30 ay bukas ang lahat ng kanilang establisyimento sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.
Bukas ang mga restaurant para sa alfrescoo dining lamang, delivery at takeout.
Sarado ang sumusunod na stores:
– Entertainment
– AmusementCenters
– Gyms at Fitness Centers
– Personal Care Services
– Internet Cafes
– Travel Agencies