17 Pinoy tinamaan ng COVID-19 sa Middle East, 14 pa ang nasawi
Nadagdagan ng 17 pa ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.
Sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) araw ng Linggo, April 11, nakapagtala din ng 17 Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa Middle East at 14 pa ang nasawi.
Sa kabuuan ayon sa DFA, 17,099 na ang bilang ng mga Pinoy abroad na tinamaan ng COVID-19.
Sa naturang bilang, 10,022 na ang gumaling habang 5,894 pa ang sumasailalim sa gamutan.
Nasa 1,083 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawing Pinoy sa ibang bansa dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring bilang ng mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 ay sa Middle East / Africa na umabot sa 9,546.
Sumunod ang Asia Pacific Region na mayroong 3,349 cases.