DOH nakapagtala ng mahigit 11,000 na bagong kaso ng COVID-19 cases; 201 pa ang nasawi
Nakapagtala ng mahigit 11,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health araw ng Linggo, April 11, 864,868 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 11,681 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 703,404 ang gumaling o katumbas ng 81.3 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 55,204 na gumaling.
146,519 naman ang active cases o katumbas ng 16.9 percent.
14,945 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.73 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 201 pang pumanaw.