Presidential Spokesperson Harry Roque bumuti ang lagay matapos magamitan ng remdesivir at steroids

Presidential Spokesperson Harry Roque bumuti ang lagay matapos magamitan ng remdesivir at steroids

Mas bumuti na ang kondisyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kaniyang ikatlong araw ng pagkaka-confine sa ospital.

Sa inilabas na update, sinabi ni Roque na bumuti ang kaniyang lagay sa unang vial ng remdesivir at steroids.

Sinabi ni Roque na tinamaan siya ng pneumonia.

Makalalabas lamang aniya siya ng ospital kapag nabigyan pa siya ng apat na vials pa ng remdesivir.

Ibig sabihin ayon kay Roque, mananatili siyang naka-confine hanggang sa Huwebes, Apr. 15.

“I am better after only one vial of remdesivir and steroids. I came in at the right time since pneumonia was caught early on. Doctors wont discharge me though until 4 more vials of rendesivir which means I will be confined until Thursday,” ayon kay Roque.

Ani Roque, normal naman na ang kaniyang pakiramdam sa ikatlong araw niya sa ospital kaya sa tingin niya ay maisasagawa niya ang thrice a week briefings.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *