9 na pulis na sangkot sa Jolo shooting, hinikayat na kusang sumuko
Hinikayat ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang siyam na pulis na sangkot sa pagkamatay ng apat na sundalo sa Jolo, Sulu shooting na kusa nang sumuko sa mga otoridad.
Ito ay makaraang palayain sila ng Philippine National Police (PNP) dahil wala na sila sa ilalim ng hurisdiksyon ng PNP at bunsod ng kawalan ng arrest warrants.
Dahil sa nangyari, nagpahayag ng pagkadismaya ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Guevarra, mas makabubuti kung boluntaryo nang susuko ang mga pulis kaysa tugisin pa sila ng mga otoridad.
Kinumpirma naman ni Guevarra na inatasan na niya ang mga piskal na maghain ng urgent motion sa Sulu Regional Trial Court para sa paglalabas ng hold departure order o HDO laban sa mga akusado.