9 na hinihinalang suicide bombers naaresto sa Sulu

9 na hinihinalang suicide bombers naaresto sa Sulu

Nadakip ng mga otoridad ang siyam na babae na pawang hinihinalang suicide bombers were.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command, Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., nadakip ang siyam sa pamamagitan ng pagsisilbi ng search warrants sa Jolo, Indanan, at Patikul, Sulu.

Ang siyam na potensyal na suicide bombers ay pawang may ugnayan at miyembro ng Abu Sayyaf Group.

Naaresto sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu sina Elena Tasum Sawadjaan-Abun alyas Iling at alyas Elena Tasum, 40 anyos.

Anak siya ng yumaong si Abu Sayyaf Group leader Hatib Hajan Sawadjaan at biyuda ng ni ASG sub-leader Walid Abun.

Naaresto din si Linda Darun Maruji, alyas Appuh Yayang, 66 anyos na kapatid naman ni Hajan Sawadjaan; si Firdauzia Said, alyas Firdausia Salvin, biyuda ni ASG sub-leader Mannul Said; Risa Jalil, asawa ni ASG member Nasser Sawadjaan Hadjail; Sharifa Rajani, alyas Indah Wida/Widz, asawa ni ASG member Mukti.

Nakumpiska sa kanila ang mga Improvised Explosive Device kabilang ang isang energizer 9V battery na mayroong battery snap, isang non-electric blasting cap, backpack, hinihinalang Ammonium Nitrate Fuel Oil (ANFO), detonating cord, 2.5 inches G.I. pipe, 184 na piraso ng 1-inch concrete nails, at dalawang android phones.

Sa hiwalay na operasyon, naaresto din sa Zone 3, Barangay Tulay, Jolo, Sulu sina Nudzha Ismani Aslun, alyas Nudz/Akih, 26 anyos at biyuda ni ASG member Jabar;at si and Nurshahada Isnain, alyas Dah, 19 anyos asawa ni ASG member Akram.

Nakuha naman sa dalawa ang isang push button switch, isang Eveready 9V battery na may battery snap, isang non-electric blasting cap, backpack, hinihinalang ANFO, detonating cord, 2.5 inches G.I. pipe, 340 na piraso ng 1-inch concrete nails, isang hand grenade MK2 High Explosive, isang booklet na may titulong “Jihad Fil Sabilillaah”, at mga ID.

Sa Barangay Bangkal, Patikul naaresto ang dalawang anak ni Hajan Sawadjaan, na kinilalang sina Isara Jalmaani Abduhajan, 36 anyos at Jedah Abduhajan-Amin, 28 anyos.

May mga nakuha din sa kanilang gamit sa paggawa ng pampasabog.

Ang siyam ay inaresto bunsod ng paglabag sa Republic Act 9516 o Illegal Possession of Explosives.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *