9.1 million natanggal sa trabaho mula nang magkaroon ng pandemya

9.1 million natanggal sa trabaho mula nang magkaroon ng pandemya

Simula noong Marso 2020 nang magkaroon ng pandemya ng COVID-19 sa bansa, umabot na sa 9.1 million ang natanggal sa trabaho.

Sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang nasabing bilang ay nagsabing sila pansamantala o ‘di kaya ay permanente nang na-lay off sa kanilang trabaho sa pagitan ng March 2020 hanggang February 2021.

Isang milyon sa kanila ang nagsabing wala na sila sa labor force matapos ma-lay off sa trabaho.

Ang nakikitang dahilan ng PSA kaya tuluyan silang nawala sa labor force ay maaring wala silang nakikitang oportunidad.

Kabilang sa mga itinuturing na wala sa labor force ang mga hindi naghahanap ng trabaho.

Sinabi ni Mapa na maaring tumaas muli ang unemployment rate sa susunod na idaraos nilang Labor Force Survey sa Abril.

Kasunod ito ng pagpapairal ng isang linggong ECQ sa NCR Plus.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *