DOH at FDA itinangging dahil sa bakuna ang naranasang “adverse effect” ng isang lalaking nabakunahan sa Caloocan

DOH at FDA itinangging dahil sa bakuna ang naranasang “adverse effect” ng isang lalaking nabakunahan sa Caloocan

Hindi epekto ng bakuna ang napaulat na adverse event na naranasan ng isang lalaki sa Caloocan City.

Noong April 8 isang post sa social media ang nagsabi na isang 54 anyos na lalaki mula sa Caloocan City ang nakaranas ng seryosong adverse event matapos maturukan ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa Department of Health (DOH) nang matanggap nila ang nasabing ulat ay agad inalerto ang Regional Adverse Events Following Immunization Committee (RAEFIC) para magsagawa ng causality assessment.

Ay batay sa resulta ng causality assessment ng RAEFIC, hindi ang COVID-19 vaccine ang nagdulot ng stroke sa lalaki, ang naranasang adverse event ay inconsistent sa causal association sa bakuna at ikatlo ay ang adverse event at bunsod ng pagkakaroon ng emerging conditions ng pasyente.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng DOH at FDA ang lahat ng vaccination sites na istriktong sundin ang screening protocols sa pagsasgawa ng assessment sa vaccine recipients.

Nanawagan din ang DOH at FDA sa publiko na i-disclose ang kanilang underlying conditions sa isasagawang registration para sa COVID-19 vaccine.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *