Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 6.1 na lindol
Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs ang lindol ay naitala sa layong 148 kilometers southwest ng bayan ng Sarangani alas 5:30 ng hapon ng Sabado, April 10.
May lalim na 314 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity III – General Santos City
Intensity II – Monkayo, Davao de Oro
Instrumental Intensity:
Intensity I – Alabel, Sarangani
Dahil may kalaliman sinabi ng Phivolcs na hindi naman inaasahang magdudulot ito ng pinsala.
Gayunman, maaring makaranas ng aftershocks.