Ayuda mula sa national government, bahay-bahay na ipinamahagi sa Pasig City

Ayuda mula sa national government, bahay-bahay na ipinamahagi sa Pasig City

Nagtala ng 40 teams ang Pasig City Local Government ngayong araw, April 9 para maipamahagi ng bahay-bahay ang ayuda mula sa national government.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, house-to-house na ipinamamahagi ang P1,000 per individual sa mga benepisyaryo mula sa mga lugar na tinatawag ng DSWD na “POCKETS OF POVERTY”.

Cashless naman o sa pamamagitan ng PAYMAYA ang pamamahagi sa mga pamilyang kasama sa DSWD SAP List.

Muling inulit ni Sotto na P681,743,000 ang natanggap na halaga ng LGU mula sa pamahalaan.

Ibig sabihin, 681,743 katao at hindi lahat ng residente ay makakatanggap ng ayuda.

Ayon sa alkalde, sisikapin ng lokal na pamahalaan na maging smooth at ligtas ang pamamahagi ng ayuda.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *