Malakanyang nagpaliwanag kung bakit walang public event si Pangulong Duterte ngayong Araw ng Kagitingan

Malakanyang nagpaliwanag kung bakit walang public event si Pangulong Duterte ngayong Araw ng Kagitingan

Sinagot ng Palasyo ng Malakanyang ang tanong ng mga kritiko kung bakit walang public event si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Araw ng Kagitingan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may umiiral na community quarantine kung saan ipinagbabawal ang pagtitpun-tipon.

Sinabi pa ni Roque na nananatili pa ring mataas ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19.

Maari aniyang makompromiso hindi lamang ang kaligtasan ng pangulo kundi maging ang physical well-being ng mga staff at security na in charge sa koordinasyon at preparasyon ng presidential engagement o event.

Kasabay nito ay binuweltahan ni Roque ang mga nag-aakusa na ‘photoshopped’ ang lumalabas na mga larawan ng pangulo kamakailan.

Ayon kay Roque, ang mga nag-aakusa ay ang mga dati nang detractors ng pangulo na walang nakikitang mabuti sa ginagawa ng punong ehekutibo.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *