Malakanyang tumangging mag-komento sa ulat na hinabol ng barko ng Tsina ang Filipino Vessel na may lulang TV crew

Malakanyang tumangging mag-komento sa ulat na hinabol ng barko ng Tsina ang Filipino Vessel na may lulang TV crew

Tumanggi ang Malakanyang na magkomento sa pinakabagong insidente sa West Philippine Sea kung saan hinabol umano ng barko ng China ang Filipino Vessel na may lulang TV crew.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ipinauubaya na nila sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) ang pagbibigay ng reaksyon sa insidente.

Batay sa ulat ng ABS-CBN, isa sa kanilang news team ang sakay ng barko sa West Philippine Sea malapit sa Palawan nang habulin ito ng Chinese Ship.

Tumagal umano ng isang oras ang paghabol sa kanila ng barko ng Tsina.

Nagpasya ang news team na bumalik na lamang sa Palawan.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *