Pangulong Duterte inatasan ang PhilHealth na madaliin ang pagbabayad ng claim ng mga ospital

Pangulong Duterte inatasan ang PhilHealth na madaliin ang pagbabayad ng claim ng mga ospital

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na madaliin ang pagbabayad sa mga baidong claims ng mga ospital.

Ayon kay Presidential Spokesperson
Harry Roque, dapat mabayaran agad ng PhilHealth ang claim ng mga ospital kasunod na rin ng pagdagsa ng mga pasyente lalo na ng mga COVID-19 patients sa mga pagamutan.

Samantala, ayon kay Roque, inaprubahan naman ng PhilHealth ang aplikasyon sa paggamit ng Debit-Credit Payment Method (DCPM) para sa pag-settle ng accounts na payable sa mga Health Care Facilities (HCFs).

Ito ay sa panahon ngayon na mayroong state of public health emergency sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang mga HCF na eligible sa paggamit ng DCPM ay dapat matatagpuan sa IATF at NTF identified regions, gaya ng National Capital Region, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga at Rizal.

Kailangan din na ang HCF ay walang Interim Reimbursement Mechanism Fund balance sa record ng PhilHealth.

Dapat din na sila ay kumakalinga sa mga COVID-19 patients o naglalaan ng SARS-COV-2 testing package.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *