COVID-19 cases sa bansa 828,366 na; mahigit 9,000 na bagong kaso ang naitala
Nakapagtala muli ng mataas na bilang ng dagdag na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ng Huwebes (April 8), umabot na sa 828,366 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 9,216 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 646,968 ang gumaling o katumbas ng 78.1 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 598 na gumaling.
167,279 naman ang active cases o katumbas ng 20.2 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 60 pang pumanaw sa sakit.
14,119 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.70 percent.