483 pang Pinoy sa ibang bansa nagpositibo sa COVID-19; 7 pa ang pumanaw
Nadagdagan ng 483 pa ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.
Sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) araw ng Huwebes, April 8, nakapagtala din ng 7 pang gumaling at 7 pa ang nasawi.
Sa kabuuan ayon sa DFA, 17,064 na ang bilang ng mga Pinoy abroad na tinamaan ng COVID-19.
Sa naturang bilang, 10,077 na ang gumaling habang 5,921 pa ang sumasailalim sa gamutan.
Nasa 1,066 naman ang bilang ng mga nasawing Pinoy sa ibang bansa dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring bilang ng mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 ay sa Middle East / Africa na umabot sa 9,529.
Sumunod ang Asia Pacific Region na mayroong 3,331 cases.