Banggaan ng Oil Tanker at Cargo Ship sa Cavite hindi nagdulot ng oil spill – PCG
Tiniyak ng Philippine Coast Guard na hindi nagdulot ng oil spill ang aksidente na naganap sa pagitan ng dalawang barko sa katubigan na sakop ng Cavite City Miyerkules (April 7)bng gabi.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng BRP Malabrigo (MRRV-4402), umabot sa 10 hanggang 20 metro natamong pinsala RICH RAINBOW (Thailand) at IVY ALLIANCE (Marshall Islands) dahil sa aksidente.
Naglalaman ng gasolina ang RICH RAINBOW na bumiyahe mula Pilipinas papuntang China.
Habang naglalaman naman ng uling ang IVY ALLIANCE at galing ng Indonesia nang maganap ang banggaan.
Sa kabila ng insidente, sinabi ng Coast Guard na ligtas lahat ng crew ng dalawang barko at walang tumagas na langis.
Bilang bahagi ng marine casualty investigation ay maghahain agn Port State Control (PSC) ng ‘notice of detention’ sa dalawang barko.