‘Compassionate use’ ng ivermectin pinayagan ng FDA
Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng isang ospital para sa “compassionate use” ng anti-parasitic drug na ivermectin.
Sa Laging Handa Public Briefing sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, inaprubahan ang special permit para sa compassiona use ng ivermectin matapos mag-apply ang isang ospital.
Ayon kay Domingo, ang compassionate use permit ay hiwalay sa nakabinbing aplikasyon ng dalawang local manufacturers na humihiling na mag-isyu ang ahensya ng certificate of product registration para sa ivermectin.
Sa ilalim ng compassionate use permit, pinapayagan lamang ang legal administration ng gamot sa bansa at hindi ito papayagang ibenta.