Green Sea Turtle nailigtas sa karagatan ng Pagbilao, Quezon
Isang green sea turtle ang nailigtas ng mga residente sa Pagbilao, Quezon
Ayon sa CENRO Tayabas ang pawikan ay napadpad sa mababaw na bahagi ng dagat at na-trap sa baklad.
Agad itong isinailalim sa pagsusuri at nilagyan ng tag ng mga kinatawan ng CENRO Tayabas.
Sa parehong araw, ay pinakawalan ito sa karagatang sakop ng Brgy. Ibabang Polo sa Pagbilao.
Ang green sea turtle ay isa lamang sa limang (5) species ng pawikang naninirahan at matatagpuan sa karagatan ng Pilipinas.
Ito rin ay naiiba sa ibang uri ng pawikan sa kadahilaang ito ay kumakain ng seagrasses o algae, kung saan dito rin nakuha ang ngalan nito.