Mahigit 126,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa India sa nakalipas na magdamag
Pumalo na naman sa mahigit 100,000 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitatala sa India.
Sa magdamag ay umabot sa mahigit 126,000 ang bagong kaso ng sakit sa nasabing bansa.
Dahil dito, umabot na sa 12,926,061 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa India.
Sa nasabing bilang, mahigit 11.8 million ang gumaling habang mahigit 910,000 pa ang nagpapagaling.
Mayroon namang 166,892 na bilang ng mga nasawi sa India dahil sa COVID-19.