Paggamit ng Sinovac vaccine para sa senior citizens inaprubahan na ng FDA
Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng Sinovac para sa mga senior citizen.
Naubos na kasi ang suplay ng AstraZeneca sa bansa kaya wala muling nagagamit na COVID-19 vaccine para sa mga senior citizen.
Dahil dito, inirekomenda ng mga eksperto sa FDA na payagang gamitin na sa mga edad 60 anyos pataas ang Sinovac.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, dahil sa kasalukuyang sitwasyon kung saan tumataas ang insidente ng COVID-19 transmission at limitado na din ang available na bakuna, nagpasya ang ahensya na payagan ang paggamit ng Sinovac sa senior citizens.
Ayon kay Domingo sa bago ang pagturok ng Sinovac sa mga nakatatanda ay kailangang magsagawa muna ng evaluation sa health status ng matuturukan nito.