Customs kumita ng P138M sa pag-dispatsa sa mga overstaying containers

Customs kumita ng P138M sa pag-dispatsa sa mga overstaying containers

Umabot sa 586 overstaying container vans ang naidispatsa ng Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng auction; condemnation at donasyon sa nakalipas na first quarter ngayong taong 2021.

Dahil dito, kumita ang BoC ng mahigit sa 138.5 million pesos (P138,535,866.00) sa isinagawang public auction ng 354 overstaying container vans na naglalaman ng bigas at rice galvanized steel among others gayundin ang mula sa condemnation o pagsira ng 232 container vans.

Ilan sa naturang mga overstaying containers ay inabandona at kinumpiska base sa mandato ng BoC na nakasaad sa Sections 1139 at 1141 ng Customs Modernization and Tariff Act.

Layunin ng auction; donasyon at condemnation ng mga abandonado at mga overstaying containers na mapaluwag ang mga yarda sa mga port para maging mas maayos ang operasyon ng BoC.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *