Pamamahagi ng P1,000 ayuda sa mga naapektuhan ng ECQ sa NCR Plus umarangkada na sa Metro Manila
Pormal nang umarangkada araw ng Miyerkules (April 7) ang pamamahagi ng 1,000 Pisong ayuda para sa mga naapektuhan ng enhanced community quarantine sa NCR Plus.
Sa Brgy. Vitalez, ParaƱaque City isinagawa ang formal launching ng programa ng national government, pero sabayan na ding isinagawa ang pamamahagi ng ayuda sa iba pang bahagi ng Metro Manila.
Pinangunahan nina ParaƱaque City Mayor Edwin L. Olivarez, DSWD Secretary Rolly Bautista at DILG Usec Jonathan Malaya ang aktibidad sa lungsod.
Batay sa inaprubahang guidelines ni Pangulong Rodrigo Duterte, tatanggap ng P1,000 ang bawat indbidwal na eligible para sa programa, pero hindi dapat lalagpas sa P4,000 ang ayuda para sa isang pamilya.
Sa Maynila, Martes (April 6) ng gabi pa lamang inumpisahan na ang pamimigay ng ayuda ng mga kinatawan mula sa Municipal Social Welfare and Development.
Miyerkules ng umaga itinuloy ang pamamahagi ng ayuda sa Sa Brgy. 659 Baseco sa Port Area.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, umabot sa P1,523,270,000 ang halaga ng pondo na natanggap ng Maynila mula sa national government.
Sa Brgy. 659, aabot sa 19,703 ang nakatanggap ng ayuda.
Sa Caloocan, nagsimula na din ang pamamahagi ng ayuda sa kanilang mga constituent.
Habang sa Pasig City, sinabi ni Mayor Vico Sotto na natanggap na din ng LGU ang pondo para sa ayuda, at nakatakda na rin itong ipamahagi sa kanilang mga reisdente.