Mahigit 681K na katao sa Pasig City tatanggap ng “ayuda” mula National Government
Natangggap na ng lokal na pamahalaan ng Pasig City ang mahigit P681 million na halaga ng ayuda mula sa national government.
Ang nasabing halaga ay ang ipamamamahagi sa mga residente ng lungsod na naapektuhan ng pag-iral ng enhanced community quarantine.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, ₱681,743,000 ang kabuuang pondo galing sa national government.
Ibig sabihin may mabibigyan na 681,743 katao.
Ayon kay Sotto, batay sa Joint Memorandum Circular mula sa DSWD, DILG, at DND ang ayuda para sa mga “Low-income Families”.
Nakasaad din sa memorandum ang mga nasa prayoridad para makasama sa ayuda ay ang mga sumusunod:
1. Mga pamilyang benepisyaryo ng National/DSWD SAP. (Susubukan nating mauna yung mga di pa nakakatanggap ng 2nd Tranche. Ibang topic na po yung 2nd Tranche pero sabi naman ng DSWD ay matatanggap niyo pa rin ito, inaayos daw po nila ngayon ang mga naging problema sa financial service provider.);
2. Mga WAITLISTED sa National/DSWD SAP;
3. Mga “VULNERABLE GROUPS” o “low-income individuals living alone, persons with disabilities (PWD), solo parents”;
(4. May pang-apat pa po na “individuals affected by the ECQ”, pero ito ay KUNG may matitira pa sa #1 hanggang 3.)
Ayon sa alkalde isasapubliko nila ang listahan at schedule sa Pasig City Public Information Office.