Magnitude 5.1 na lindol naitala sa Davao Occidental
Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ang pagyanig ayon sa Phivolcs ay naitala sa layong 118 kilometers southeast ng bayan ng Jose Abad Santos alas 4:08 ng umaga ng Miyerkules, April 7.
91 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa General Santos City at Koronadal City, South Cotabato; Alabel at Kiamba, Sarangani.
Ayon sa Phivolcs hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol pero maaring makaranas ng aftershocks.