146 pang Pinoy sa ibang bansa nagpositibo sa COVID-19; 9 pa ang pumanaw
Nadagdagan ng 146 pa ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.
Sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) araw ng Martes, April 6, nakapagtala din ng 7 gumaling at 9 pa ang nasawi.
Sa kabuuan ayon sa DFA, 16,569 na ang bilang ng mga Pinoy abroad na tinamaan ng COVID-19.
Sa naturang bilang, 10,065 na ang gumaling habang 5,446 pa ang sumasailalim sa gamutan.
Nasa 1,058 naman ang bilang ng mga nasawing Pinoy sa ibang bansa dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring bilang ng mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 ay sa Middle East / Africa na umabot sa 9,078.
Sumunod ang Asia Pacific Region na mayroong 3,307 cases.