PhilHealth may utang na P876M sa Red Cross
Aabot sa P876 million ang pagkakautang ng PhilHealth sa Philippine Red Cross (PRC).
Ayon kay Red Cross Chairman at Senator Richard Gordon, umaasa silang mababayaran na sila ng PhilHealth dahil ang pera ay gagamitin nila muli para maipangtulong sa mga nangangailangan.
Kabilang dito ang pagbili ng mga COVID-19 test kits.
Ang pagkakautang ay para sa isinasagawang Swab RT PCR Test ng Red Cross na kino-cover ng PhilHealth.
Sinabi ni Gordon na noong March 31 ay nag-utos na din ang Department of Health sa PhilHealth na i-cover pati ang Saliva RT PCR Test ng Red Cross.
Sa ngayon ayon kay Gordon, lahat ng Red Cross Chapters sa bansa ay may kakayahan nang mangulekta ng Saliva Samples.