Dating Pangulong Erap Estrada kinailangang gamitan ng ventilator
Nagpapagaling pa rin sa COVID-19 si dating Pangulong Joseph Estrada.
Ayon kay dating Senador JV Ejercito, nitong mga nagdaang araw ay maayos naman ang pagtugon ng kaniyang ama sa gamutan.
Pero kahapon, lumala ang pneumonia nito at kinailangan na itong gamitan ng ventilator.
Humingi naman ng dasal sa publiko si Ejercito para sa kaniyang ama.
“COVID is unpredictable. My dad was recuperating very well the past few days when suddenly it shifted yesterday when his Pneumonia worsened, thus the need to use a ventilator. Your prayers would mean a lot,.” ayon kay Ejercito.