DILG bubuo ng monitoring at inspection team para bantayan ang nakatakdang pamamahagi ng tulong-pinansyal sa mga naapektuhan ng ECQ
Bubuo ng monitoring at inspection team ang Department of Interior and Local Government (DILG) na magbabantay sa gagawing pamamahagi ng ayuda mula sa national government para sa mga naapektuhan ng pag-iral ng enhanced community quarantine.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ang Joint Monitoring and Inspection Team sa bawat LGU ay pangangasiwaan ng DILG sa City o Municipal Local Government Operations Offer at mga kinatawan mula DSWD, PNP, City o Provincial Prosecutors Office, at civil society organizations (CSOs).
Ang Joint Monitoring and Inspection Teams (JMIT) ang tutugon sa mga reklamo o grievances mula sa mga constituent hinggil sa tulong pinansyal.
Sila din ang magbabantay sa compliance ng LGU sa gagawing pamamahagi.
Ang PNP nnaman ang mag-iimbestiga at magsasagawa ng case build-up sa mga maiuulat na anomalya, iregularidad, o graft and corruption kaugnay sa pamamahagi ng tulong.