Curfew violator sa Cavite pumanaw matapos umanong atasan na magsagawa ng pumping exercise ng 300 beses

Curfew violator sa Cavite pumanaw matapos umanong atasan na magsagawa ng pumping exercise ng 300 beses

Isang lalaki na lumabag sa curfew sa General Trias, Cavite ang nasawi makaraang atasan ng mga otoridad na magsagawa ng 300 repetitions ng pumping exercise.

Si Darren Manaog Peñaredondo ay nahuli dahil sa paglabag sa curfew noong gabi ng April 1.

Ayon sa kaniyang pinsan ni Peñaredondo na si Adrian Luceña, bumili sa tubig ang kaniyang pinsan pero nahuli ito ng mga pulis dahil curfew na.

Bago pumanaw, naikwento pa ni Peñaredondo na siya ay inatasan na mag-pumping ng 100 beses, pero dahil hindi sabay-sabay ang mga nahuli, umabot sa 300 ang nagawa nilang pumping.

Kwento pa ni Luceña, Biyernes (April 2) na ng umaga nang makauwi ang kaniyang pinsan at hindi na ito makalakad ng maayos.

Sinundan na ito ng pagko-kombulsyon hanggang sa himatayin noong Sabado (April 3) ng madaling araw.

Sa parehong araw, alas 10:00 ng gabi ay nakitang wala na itong buhay.

Kaugnay nito, inatasan na ni General Trias Mayor Antonio “Ony” Ferrer ang pulisya na magsagawa ng imbestigasyon sa nangyari.

Itinanggi naman ni General Trias Police Chief Lt. Col. Marlo Solero ang alegasyon. Aniya, ang tanging parusa para sa mga nahuhuli sa curfew ay community service.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *