Mahigit P1.5B na ayuda para sa mga residente ng Maynila natanggap na ng LGU

Mahigit P1.5B na ayuda para sa mga residente ng Maynila natanggap na ng LGU

Natanggap na ng City Treasurer’s Office ng Manila City Government ang halagang P1,523,270,000.

Ito ay ang halagang ipamamahagi sa mga residente ng lungsod bilang ayuda dahil sa pagpapairal ng Enhanced Community Quarantine.

Batay sa guidelines, ipamamahagi ang ayuda batay sa sumusunod na prayoridad:

1. Beneficiaries ng Social Amelioration Program sa ilalim ng Bayanihan Act 1 at dagdag na beneficiaries sa emergency subsidy sa ilalim ng Section 4f(3) ng Bayanihan Act 2.

2. SAP wait-listed beneficiaries

3. Mga kabilang sa vulnerable groups, gaya ng low-income individuals na mag-isang naninirahan, Persons with Disabilities (PWD), solo parents, at iba pa.

4. Iba pang indbidwal na naapektuhan ng ECQ.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *