4.5 percent inflation rate naitala noong buwan ng Marso
Bahagyang bumaba ang inflation o ang bilis ng pagtaas sa presyo ng bilihin at serbisyo noong buwan ng Marso.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), 4.5 percent ang naitalang inflation para sa buwan ng Marso mas mababa kumpara sa 4.7 percent noong Pebrero.
Ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng antas ng inflation nitong Marso 2021 ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages.
Ito ay dahil sa mas mabagal na pagtaas ng presyo ng gulay, partikular ang bawang; prutas, gaya ng mansanas; at isda, gaya ng dilis at tulingan.
Sa kontribusyon sa overall inflation nitong Marso 2021, ang pangunahing nag-ambag ay ang Food and Non-alcoholic Beverages, na may inflation na 5.8 percent at 50.9 percent share sa pangkalahatang inflation.