Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 132 million na
Umabot na sa mahigit 132 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos hanggang umaga ng Martes (April 6) ay 132,397,299 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 463,000 na bagong kaso sa magdamag.
Sa magdamag umabot sa mahigit 38,000 ang naitalang bagong kaso sa Brazil.
Mahigit 49,000 naman ang bagong kasong naitala sa US.
Habang ang India ay nakapagtala ng mahigit 96,000 na bagong kaso sa magdamag.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 31,487,574
Brazil – 13,023,189
India – 12,684,477
France – 4,833,263
Russia – 4,589,540
UK – 4,362,150
Italy – 3,678,944
Turkey – 3,529,601
Spain – 3,311,325
Germany – 2,903,036
Samantala, ang Pilipinas ay nasa pang-30 sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming kaso.