Inbound travel sa Region VI galing sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 suspendido muna
Suspendido ang pagtanggap ng inbound travelers mula Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Cebu City at Davao City patungo sa Region VI.
Kasunod ito ng pag-apruba ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa kahilingan na suspendihin pansalamantala ang pagbiyahe patungong Region VI ng mga indibidwal mula sa nabanggit na mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.
Ang suspensyon ay tatagal hanggang April 10, 2021.
Kasama sa hindi muna pwedeng bumiyahe o umuwi sa rehiyon ay ang mga returning residents, turista, Authorized Persons Outside of their Residences (APOR), Returning Overseas Filipinos (ROFs), at Overseas Filipino Workers (OFWs).
Hindi naman sakop ng suspensyon ang pagbiyahe sa mga essential goods, gaya ng pagkain at medical supplies, military aid, at relief efforts.