Pasig River Ferry Service balik-operasyon na

Pasig River Ferry Service balik-operasyon na

Balik-operasyon ang Pasig River Ferry Service ngayong araw (Apr. 5).

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), maaari nang magtungo ang mga mananakay na APOR sa mga 11 operational stations.

Kabilang dito ang Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, Guadalupe, Valenzuela , Hulo, Lambingan, Sta. Ana, PUP, Lawton, at Escolta.

Libre ang pagsakay sa Pasig River Ferry para sa ga APOR.

Ipinaalala ng MMDA sa mga pasahero na patuloy ang pinaiiral na safety protocols ng PRFS para sa kaligtasan laban sa pagkalat ng COVID-19.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *