Revised water concession agreement ng gobyerno sa Manila Water natapos na
Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na natapos na ang paglalatag ng revised water concession agreement ng gobyerno sa Manila Water.
Sa ilalim ng bagong concession agreement hindi na papanagutin ang gobyerno kapag ginagampanan nito ang regulatory functions para sa proteksyon ng mga consumer.
Ang Manila water ay kinikilala na bilang isang public utility at mas magiging accountable na ito ngayon sa gobyerno at publiko.
Nakasaad din sa binagong kasunduan na ang Corporate Income Tax ay hindi pwedeng ipasa ng Manila Water sa mga consumer.
Bawal din silang magpataw ng dagdag na taripa hanggang sa December 31, 2022.
Sinabi ni Roque na susunod nang aayusin ang revised concession agreement ng gobyerno sa Maynilad.