Kumpanyang Johnson & Johnson naghain na ng aplikasyon para sa emergency use ng kanilang COVID-19 sa Pilipinas

Kumpanyang Johnson & Johnson naghain na ng aplikasyon para sa emergency use ng kanilang COVID-19 sa Pilipinas

Nagsumite na ng aplikasyon ang Johnson & Johnson para sa emergency use ng kanilang COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Ang COVID-19 vaccine ng naturang kumpanya ay single-dose lamang o isang beses lamang na ituturok.

Ayon kay Food and Drug Administration Director General Eric Domingo, noong March 31 natanggap ng FDA ang aplikasyon.

Ang bakuna ay gawa ng Janssen ng J&J.

Ito ay nauna nang nabigyan ng otorisasyon para sa emergency use ng United States FDA.

Sa sandaling mabigyan ng otorisasyon para sa emergency use ay maari na din itong magamit sa pagbabakuna sa bansa.

Sa ngayon, ang mga kumpanya na nabigyan na ng EUA ng FDA ay ang Pfizer-BioNTech, Oxford-AstraZeneca, Sinovac, at Gamaleya-Sputnik V.

Subalit ang Sinovac at AstraZeneca pa lamang ang nagagamit sa vaccination program ng gobyerno dahil ang mga ito pa lamang ang mayroong suplay na dumarating sa bansa.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *