DOLE nagkapaglababas na ng mahigit P5M ayuda sa mga OFW

DOLE nagkapaglababas na ng mahigit P5M ayuda sa mga OFW

Nakapamigay na ng mahigit na limang bilyong piso ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa halos kalahating milyong manggagawa o Overseas Filipino Workers o OFWs.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sa pamamagitan ng Abot Kamay ang Pagtulong o AKAP program, P5.043-B ang naiayuda ng labor department sa 497,122 na OFWs.

Ang AKAP ay isang beses na ayudang pinansiyal sa kuwalipikado at apektadong OFW na nagkakahalaga ng $200 o ang katumbas nito sa piso na P10,000

Maliban sa AKAP, ibinibigay din ng DOLE ang tulong pinansiyal, pagkain at mga gamot sa mga OFW na tinamaan ng corona virus disease.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa $1.93 million na cash assistance ang naibigay ng DOLE sa 9,667 OFWs na nagkasakit ng Covid 19.

Nagkakahalaga naman ng $2.6 million sa medical at pagkain ang naibigay ng DOLE sa 124,945 OFWs.

Samantala, umaabot na sa 502,581 OFWs na nakatapos na sumalang sa quarantine ang napauwi na ng pamahalaan sa kanilang mga tahanan.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *