OPAV nag-alok ng dagdag na insentibo sa mga nurse mula Visayas na handang tumulong sa NCR Plus

OPAV nag-alok ng dagdag na insentibo sa mga nurse mula Visayas na handang tumulong sa NCR Plus

Magbibigay ng dagdag na insentibo ang Office of the Presidential Assistance for the Visayas (OPAV) at ang Project Balik-Buhay (PBB) para sa mga nurse mula Visayas na tutulong sa mga pasilidad sa NCR Plus.

Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa NCR Plus na nagreresulta na sa sobra-sobrang dami ng mga pasyente sa mga ospital.

Ayon kay OPAV Undersecretary Jonji Gonzales, ang mga nurse sa Visayas na handang tumulong ay maaring makipag-ugnayan sa DOH regional office.

“Visayas is nothing short of hardworking, passionate and competent healthcare workers. OPAV and PBB willing to provide additional financial incentive to those who will answer the call,” ayon kay Gonzales.

Ayon naman kay Sen. Christopher “Bong” Go na Chairperson ng Senate Committee on Health, sa pamamagitan ng “bayanihan” ay maaring matulungan ang mga kabababayan sa NCR.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *