Montalban, Rizal LGU magbibigay ng tulong-pinansyal sa mga residenteng nagpositibo sa COVID-19
Makatatanggap ng tulong-pinansyal ang mga residente ng Montalban, Rizal na nagpositibo sa COVID-19.
Naglaan si Montalban, Rizal Mayor Tom Hernandez ng P3,000 tulong-pinansyal sa mga COVID-19 patient na na-ospital.
P2,000 naman ang matatanggap ng mga nagpositibo pero sumailalim lamang sa home quarantine.
Ang mga pasyenteng nasa quarantine facility ay tumatanggap din ng food packs mula sa pamahalaang bayan.
Para sa mga residente ng Montalban na na nagpositibo sa Swab Test Result maaring mag-apply para sa nasabing ayuda sa tanggapan ng alkalde simula bukas (April 5).
Dalhin lamang ang mga sumusunod:
1. Indigency Certificate from your Barangay
2. Laboratory Result — positive for covid
3. Municipal Health Certificate ( MHO makukuha po sa tannggapan po ni Dra. Carmela Javier at Dra. Emily Ann Orocay )
4. Valid I.D.
Ayon naman kay Arnel De Vera, executive assistant mula sa tanggapan ng alkalde, pwedeng iutos sa kaanak ang pag-aapply at hindi na kailangang mismong ang pasyente ang magtungo sa munisipyo.
Kailangan lamang magpadala ng authorization.
Limitado lang din ang maaring ma-accommodate kada araw dahil umiiral pa din ang ECQ.